ANNOUNCEMENT:

You are Currently Viewing OnlineKAPAMILYA news portal BETA! The Leading and the Most Interactive Kapamilya Blog on the Net!This Site/Blog is Better Viewed in a Mozilla Firefox Browser. Disclaimer: OnlineKAPAMILYA claims no credit for any images/videos featured on this site unless otherwise noted. All visual content is copyright to it’s respectful owners. OnlineKapamilya is in no way responsible for or has control of the content of any external web site links. Information on this site may contain errors or inaccuracies; we do not make warranty as to the correctness or reliability of the site’s content. If you own rights to any of the images, and do not wish them to appear on this site, please contact us via e-mail and they will be promptly removed.

Friday, June 13, 2008

Bianca Gonzalez "happy" even without an inspiration


Bianca Gonzalez "happy" even without an inspiration

Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Bianca Gonzalez sa launching ng "Y Speak: Back 2 Books" project, in partnership with the Office of Senator Francis "Kiko" Pangilinan and in cooperation with Help Kids Learn Project, noong Miyerkules, June 11, sa Shakey's Tomas Morato, Quezon City.

"Isa siyang book drive kung saan puwedeng mag-donate kahit sino—bata na high school, college, or grade school or parents na may mga lumang libro na hindi na nagagamit. Ibibigay dito and then kapag enough na ang books na makuha namin, ibibigay na sa Barangay Bagong Silang," lahad ni Bianca nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

It will be the first public library sa Barangay Bagong Silang sa Caloocan City.

"Apparently, according to the office of Senator Kiko Pangilinan, ito yung poorest barangay in the country. Imagine, one million sa isang barangay at wala man lang silang public library. So, ito yung first ever na magiging public library. In a few months, hopefully, matayo na."

Si Senator Kiko raw ang nag-suggest sa kanila kung saang barangay ilalagak ang mga librong makakuha nila sa "Back 2 Books" project nila.

"Actually, nung in-approach ko nga sila ng Y Speak about it, I think because the senator nga came there recently... Yun nga, naghahanap sila ng project na puwedeng gawin doon ‘tapos biglang, ayun, doon nagsimula yung buong project," kuwento ni Bianca.

BIANCA ON KC. Hindi kaya sila maintriga ni Senator Kiko since siya ang stepdad ni KC Concepcion, na na-link din sa dating boyfriend ni Bianca na si Lino Cayetano?

"No problem, kasi nga, like Ms. George said from the office of Senator Kiko, ever since Y Speak started, every time kailangan namin ng interview or support for any project, he's very, very supportive."

Ito rin kaya ang maging daan para magkatrabaho sila o magkasama man lang ni KC?

"Malay natin, oo," very positive na pagtingin ni Bianca sa situwasyon.

Welcome ba sa kanya na makasama si KC?

"Of course, of course, definitely! Not a problem at all, lalo na everybody knows kung gaano kalakas ang hatak ni KC with all the young people, so definitely," sabi ni Bianca.

Paano kung intrigahin sila ni KC dahil kay Direk Lino?

"Ay, hindi!" bulalas niya. "Wala yun talaga sa amin. I'm sure kahit if you'll ask her [KC], wala rin sa kanya yun."

LONGER HAIR. That afternoon, napansin naman namin ang bagong hairstyle ni Bianca. Nagpa-hair extension si Bianca abot na halos sa kanyang puwet. Bakit niya naisipang magpahaba ng buhok?

"E, basta," natatawang sagot niya. "Kasi tapos na ang Pinoy Big Brother Edition Plus [Teen ]. Oo, kaya humaba siya. Tingnan ninyo naman, mukha na akong mermaid. Hindi, kasi actually, every like bagong edition or tapos ng something, nag-iiba talaga kami ng hair. In fact, si Toni this week, mag-iiba rin siya ng hair niya. So ako, imbes na maikli, humaba naman siya.

"Bakit sumobra ang haba? E, akala ko mermaid ako, e!" tawa niya. "Para maiba lang. Mas mataray nga si Mariel [Rodriguez] kasi two days nga lang, short hair ‘tapos biglang ang haba na. Siya ang inspiration ko."

Hindi kaya may ibang dahilan kaya siya inspired?

"Hindi, ano lang, bored lang ako sa buhok ko? Oo, kasi, di ba, lalo na babae?"

Sabi nila kapag nagpapahaba ng buhok ang babae, may pinagpapahabaan.

"Tingnan natin kung magkaka-effect ang pagpapahaba ng buhok ko," biro ni Bianca.

Alam na ba ni Direk Lino ang bago niyang hairstyle?

"Ay, hindi! Actually, yesterday lang ito. Surprise nga sila [Y Speak staff]sa akin."

Obviously, blooming si Bianca habang kausap namin.

"Talaga? Kahit may pimple ako?" tawa niya. "Hindi ano, inspired sa work. Ang sarap kasi parang every day you do, kunyari showbiz show or PBB, pero on the side, makakagawa ng campaign na ganito kaganda napakalaking bagay din."

BIANCA ON LINO. May participation ba si Direk Lino sa proyekto nila sa Y Speak?

"Ay, no. None at all. Kung aware siya? Baka hindi rin! Talagang effort lang ito ng Y Speak. In fact, from my barkada I'll be asking for books din," sabi niya.

Kumusta si Direk Lino?

"Okey lang naman. Malayo siya," sagot niya.

Ayaw na bang bumalik ng Pilipinas ni Direk Lino?

"Hindi naman yata. I think, I don't know though kung hanggang kailan siya doon [Singapore], but I think naman, lalo na't buong pamilya niya nandito, I think in the end babalik din siya."

Hindi ba niya nami-miss si Direk Lino?

"Hindi, no time. Busy tayo with work."

For sure, may mga girls na nami-meet abroad si Direk Lino. What about her? May boys din ba siya na nami-meet dito na interesado siya?

"Sana, pero hindi, e. Wala naman. Puro work, pero siyempre I get to enjoy time with my friends, with my family."

Nakikipag-date na siya sa ibang guys?

"Oo, pero parang wala. Parang lahat ng tao dito sa Pilipinas taken!" tawa niya.


Biniro namin si Bianca baka gusto niyang manawagan ng potential boyfriend habang wala sa Pilipinas si Direk Lino.

"Ay, wala! Hindi naman ako nananawagan. Huwag naman. Kung darating, darating," seryosong sagot ni Bianca.

Lahat ng kasama niya sa showbiz talk show na Entertainment Live!—Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, and Luis Manzano—ay may kanya-kanyang inspirasyon na.

"Si Luis ang saya-saya! Lahat kami masaya."

Siya lang ang walang partner dito?

"But I'm happy," sabi naman niya. "Wala talaga [inspiration], but I'm happy. ‘Pag meron talaga, I will share it, definitely. Hindi sini-secret ang mga ganyang sobrang masayang bagay."

No comments: